Three nights ago, I was with my high school friends and gumimik kami sa Makati. As usual, nakatuwaan na naman nila ako. Di kasi ako sanay uminom ng beer. Tatlong bote pa lang ata eh namumula na ako at aantukin. Pero nung gabing iyon eh naka pito akong beer!
And as expected di na ako nakapag drive pauwi. Iniwan ko na lang yung car ko sa parking sa Greenbelt at nagpahatid na lang ako kay Mel sa Eastwood. Sa sasakyan pa lang eh talagang tulog na ako.
Sa Edsa daw kami dadaan kasi mas mabilis daw. Nakatulog ako.
Ng magising ako, ang una kong nakita ay mga white ladies! Natakot ako! mga babaeng nakaputi, mahaba ang buhok, madudumi ang mukha at nakalutang sa ere!
Nagulat ako at biglang bumangon sa likod ng kotse. Yun pala eh nasa ilalim lang kami ng Underpass at billboard ads lang pala ng shampoo yung nakita ko. Pero ba't kaya may pinturang itim ang mga mukha nila? Parang may nag vandal.
Sayang, maganda pa naman silang decor sa Edsa. Make EDSA beautiful!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Mayroon din akong karanasan tulad ng white lady mo.Nagmamaneho kami noon sa Imus at ng gabing iyon ay may brownout. Nang tumatawid kami sa toll bridge ay may nakita kaming puting damit na parang nakalutang sa hangin sa sidewalk portion ng tulay.Natakot kaming panandali hanggang mailawan ito ng headlite ng kotse na ito pala ay nurse's uniform (puti pa noon) at para siguro hindi magusot ay hawak ng maydala na mataas kaya parang nakalutang sa hangin.Whew!
OK yan ah..mwehehe. pwedeng isama sa True Philippine Funny Ghost Stories.
Post a Comment