Tuesday, April 10, 2007


Katatapos lang ng mahabang bakasyon, buti naman. Ang lungkot kasi ng bakasyon ko. Dito lang kasi ako sa Quezon City nag-stay ng 5 limang araw. Nakakaaliw panoorin yung mga batang nag easter egghunt sa lugar namin. Naka costume sila ng rabbit at may dala pang mga basket na parang mamamalengke. Sayang at hindi pa ito uso nung bata pa ako. Palagay ko eh, kung nauso na ito noon, eh siguradong mananalo ako. Malaki kasi yung dalawang ngipin ko sa harap, mukha akong kuneho nung bata ako.
Nagtataka lang talaga ako kung ano ang role ng bunny sa mga itlog. Di naman nangingitlog ang mga rabbits di ba? Di din naman sila kumakain ng itlog. Wala naman silang itlog....ewan ko lang yung mga lalaki, di pa kasi ako nakakita ng nakatihayang lalaki na kuneho.
Bakit kaya bunny ang ginawang simbolo ng easter? Yung bang mga easter eggs eh talagang may iba't-ibang designs nung lumabas sa bunny? May standard na designs ba ang mga easter eggs? Bakit kailangan pang kulayan ng mga bata yon?
Dapat pa ata akong mag-research .... di bale na lang kaya, mind your own eggs na lang.

No comments: