Tuesday, September 16, 2008

Carnap

Jay: Mel! Yung chedeng mo kina-carnap!
Mel: OO nga! Hahabulin ko!!!
After 5 minutes, bumalik si Mel.
Jay: Pre, Ano nangyari? Nahuli yung carnappers?
Mel: Hinde. Di bale, nakuha ko yung plate number!
Jay: Good.

Monday, September 15, 2008


BF: Pakasal na tayo love..
GF: Sigurado ka? Dati akong pokpok. May PAST ako eh..
BF: Ok lang yun, Wala naman akong FUTURE.

Friday, September 12, 2008


Napadpad ako sa Powerbooks sa Greenbelt last weekend at siempre chineck ko yung book ko dun sa second floor at sa may magazine section ay me nakita kong mga college students na nagbabasa nung Panti Thoughts habang nagtatawanan at naghaharutan. Kinapalan ko na ang mukha ko at nakinig sa usapan nila.
S1: Luko-loko talaga yung author nito.
S2: Bastoz pa.. heheh
S1: Aliw talaga..
S2: Ay, bat kaya di siya nagpapakita kahit sa friendster at blog niya.
S3: Baka kirat!
S1: O kamukha ni Diego!
S1,S2,S3: Hahaha!
(Putragis kayo!)
S2: Lika na..
S1: Wait.. balik ko lang itong book. Tapos ko na basahin.
S3: Let’s go na.!
S1, S2: Ok
(Di binili yung book. Huhuhu. Bwisit kayo! Heheh)

Warning: Hindi sila yung mga naka-picture.
Thanks po dito sa picture!

Wednesday, September 10, 2008

The 29th Manila International Book Fair

September 12— 16, 2008
10:00 A.M.— 8:00 P.M.
Halls 1-4, SMX Convention Center
Mall of Asia Complex, Pasay City
Metro Manila, Philippines

Please drop by if you have time. Ako din, I will drop by if I have time.
My books will be sold for only P50 each at the PSICOM booth.. kaya lang.. uhmm me kapalit.. heheh.. joke lang.
Hope to see some of you there!

Tuesday, September 9, 2008

PICTURES

I just want to post some of the pictures I really treasure..


To the others who have sent their pictures previously, pa-send ulit please, nasira kasi yung hard disk ko (actually, apat lang naman kayo.. heheh)
Dun sa gustong mag-contribute ng pictures, please send them to me at jay.panti@gmail.com

Advance thank you to everyone who will be sending their pics...
Have more fun!

Monday, September 8, 2008

Time to BLEED!

Promote ko daw itong NoseBleed Magazine. So here's the magazine.. I've no choice but to put this in here.. Kasi andito daw pala ko... kasama si Klitorika (klitorika.com), meron kaming parang he said/she said na column dito. Ewan ko din kung bakit sila nagtiwala sa akin na magbigay ng advice.. heheh . Andito yung Blog ni Inday, si Kwentong Barbero.. cover si Ramon Bautista.. and yung girl na nasa UAAP... gosh... forgot the name but not the face (haven't seen the body yet).. heheh.. If I'm not mistaken, sa Bookfair ata sa SMX (Sept. 12-15) unang makikita ang mga lamang loob ng mag na 'to. I'll try to be there.. punta kayo sa PSICOM booth.

"Nosebleed Magazine is the country's first interactive humor magazine. Breaking new ground and away from tradition, our aim is to provide content for AND from our readers as well. We believe that humor has and will always be an integral part of our Filipino culture, hence Nosebleed aims to be at the forefront of showcasing it.

Definitely, it is the magazine for people who refuse to take life seriously!"

http://www.nosebleedmag.com



Tuesday, July 8, 2008


Thanks to whoever sent me this picture... it made my day..

Friday, June 13, 2008

Ahhh... Nestea

... is the best policy!

Thursday, June 5, 2008



That is what I call "style".

Monday, June 2, 2008


Woohoo.. thank you guys sa lahat ng mga nagpapadala ng mga e-mails, comments, shoutouts here and at my friendster account.
We're finishing off the third book and sabi, it is scheduled na daw to be printed. School days are back and believe it or not, this third book is about me teaching you guys something about "studying".. yup, you saw it right.. S-T-U-D-Y-I-N-G .. para sa ating mga tamad mag-aral heheh..
The artist at PSICOM did a great cover artwork for the book (see pic above).. it's a perfect study scenario.. I'll share with you guys all my thoughts about studying in here.. kaya title daw ng book eh "The Panti Thoughts"... ang baho na naman ng title.. oh well.
Sino nga ba mag-aakala na aabot pa ko ng third book.. lakas niyo kasing magdasal na wag akong makakuha ng visa... huhuhu
To those asking for my picture ... malapit na.. sa takdang panahon daw sabi ng publisher ko. And to those who have seen me.. please atin-atin na lang muna, keep your promises...heheh
Thanks again guys... you all rock! -jay

Monday, April 14, 2008

lumang cow joke


Mel: Ano ang sinabi ng jeepney nung muntik na niyang masagasaan yung cow?
Jay: Ano?
Mel: BEEF! BEEF!
Mel & Jay: Mwahahahaha!!!

Jay: Eh ano naman ang sinagot nung cow sa jeepney?
Mel: Ano?
Jay: Tangna MOOOOO!
Mel & Jay: Mwhahahahahaha!!!

Wednesday, April 9, 2008

Cosplay


Last weekend was a blast with Ozinefest 2008 held at Megatrade. Everywhere you look is eyecandy. I didn't see the Tifa I was looking for, sayang, but there were lots of kawaii worth checking out.

A friend cosplayed Hard Gay. Man, he sure has guts, believe me (coincidentally, look at his tag number hehe). Nag-uunahan lahat sila magpa-picture sa kanya, even si iron-man nagpa-picture sa kanya. I wish I had the guts that he has.. strutting his way at the Megamall dressed like that. For 100 bucks ticket price and less than the price of caffeine, I think my adrenaline shoot up watching this event. Thanks to herson lan for the pic.

Wednesday, April 2, 2008

How will they know?

Someone e-mailed me saying, "Kuya Jay, sikat ka na! Nakita namin yung name mo dito samin! Idol talaga!" sure... thanks.. bwiset kayo!! heheh :-)

Sunday, March 30, 2008

thanksalot...


Something great happened today. I received a gift from someone special. Sa mga nakabasa nung second book ko, I’m sure you know what I mean.

Yes, we’ve talked. Gave her a copy of the book. I think she liked it except for the surprise ending namin heheh..

I know you’re reading this Tina, thanks din for the memories.

Wednesday, March 26, 2008

Reflections


I spent a very quiet holy week in the summer capital na nagmumuni-muni sa aking buhay at ang mga nangyayari sa lahat ng paligid ko.
I really don't know if this is just a coincidence pero ng dinampot ko ang bible sa tabi ko upang magbasa ay nahulog ito but nasalo ko din ito agad by holding on to its pages pero napunit pa rin at nung tiningnan ko yung page na napunit -

Proverbs 31:6-7

6 Give beer to those who are perishing,
wine to those who are in anguish;

7 let them drink and forget their poverty
and remember their misery no more.

Natawa na lang ako at pati ata si Big Brother ay nakikiramay sa akin.

Friday, March 14, 2008

sour graping?!?



Nakipag meet ako sa isang balikbayan kong highschool classmate nung isang araw. Konting kamustahan at ewan ko ba kung bakit parang bumagyo at lumakas ang hangin dun sa loob ng coffee shop.

Gusto ko sanang makipagkwentuhan pa sa kaniya pero parang laging buhay niya ang kinukwento niya (Nakakainiz yun di ba?). Yung bagong apartment niya sa L.A., yung bago niyang 4x4, yung 16G niyang I-phone, yung plasma TV niya at yung trabaho niya sa Las Vegas na taga palit ng mga punding ilaw sa mga casino. Ewan ko kung inggit lang ako.. siguro nga.. pero hindi dun sa trabaho niya. Mas gusto ko pa din ang life ko dito.. easy lang.. over easy pa nga ata..

At siyempre, nung tinanong ako kung kamusta daw ako.. sabi ko.. eto, okay lang, mag-isa ngayon (di obligado mag txt!), may maliit na internet café, may sideline sa mga publishing at printing houses, gig pa din kami paminsan-minsa ng band ko nung college, wala pa ding pakialam sa mundo.. hehe.

At nagulat ako sa sagot niya na siya daw ang inggit sa akin. Kung puwede nga lang daw ay mas gusto niya ang buhay ko kesa daw sa kanya na halos wala ng oras sa sarili sa kakatrabaho at ang bakasyon niya pala ngayon ay halos noong isang taon pa niya pinlano. Buti pa daw ako, buong taon bakasyon ako.

Nakakasilaw nga daw ang Las Vegas.. nakakasilaw ang mga bombilya sa gabi na kaniyang tinitingnan maya-maya kung may napundi at kung meron, papalitan niya yon.

Gusto kong pumunta ng U.S. pero ayoko yatang araw-araw eh tagapalit lang ako ng mga punding bombilya sa mga casino. Baka di nako makatambay sa mga coffee shops o worst baka magka prostate cancer ako.

O baka sour graping lang ako.. tsk.. tsk.. Life… you can never really tell.

Wednesday, March 12, 2008

Coffee Experience

Nag meet kami ng aking highschool friend sa bagong Starbucks sa Katipunan sa may Petron Station. Maaga ako ng 30 minutes sa time na napag-usapan namin. Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng Starbucks ay binati na ako nung barista/cashier dun ng malakas na “HELLO SIR!!!” at very jolly (hindi naman siya kamukha ni Jollibee ha) ang itsura niya. Smile naman ako at lumapit sa kanya.
Her: Good Afternoon sir, What will you have?
Me: Uhmm. Iced Mocha.
Her: What size sir?
Me: Uhmm. (ewan ko ba kung bakit mababa na naman sa face niya ang tingin ko!).. Big.
Her: Grande, sir?
Me: Venti na lang, mahilig kasi ako sa malaki..
Her: Ok sir, that's the biggest… How’d you like your milk, whole cream or non-fat?
Me: Any other choice? (evil smile) Ikaw na lang… I mean any.. kaw na bahala.
Her: Can I get your name?
Me: Can I get your number? (Heheh)
Her: Pwede din (uy nag-smile).
Me: I’m Jay

At sinulat niya yung name ko dun sa cup. Di na ko gaano humirit kasi may nakapila na taga miriam grade school sa likod ko.
Eto na ata ang isa sa pinakamainit na starbucks dahil sa afternoon sun. Di ka pwede sa labas dahil may araw. Sa loob naman eh kalahati lang din ang walang sikat ng araw. Sayang naman, sana improve nila yung sun shades and next time titingnan ko na yung name plate ni miss.. parang Kay ata.. bagay kami.. Jay, Kay…L na kasunod hehehe... kung saan-saan kasi ako nakatingin.

Tuesday, March 4, 2008

Trip

As of this writing eh nalaman ko na wala pa din pala sa National bookstore yung Panti Chronicles. Tinawagan ko kasi yung publisher ko at sa National nga daw eh hindi pa available.. nagkaroon daw ng prublema sa approval. Pero sa ibang bookstore ay okay na.
Agad kong naisip na baka may natapakan akong tao dun sa book at medyo nagbigay ng restraining order sa National para di ito mailabas. Buti na lang at hindi naman daw ganun ang nangyari..
Dinala daw for approval yung book sa National, first week of February pa, kaya lang napagtripan daw ata ng isa sa taga National yung book at inuwi ito. Tumawag daw ang taga National last week lang at nagpapadala ulit ng copies ng Panti book.
Oh well, kung alam ko lang na ganun ang mangyayari eh di sana pinadalan ko na din sila ng tutoong used (manghihingi pa ko..) panty, para yung na lang ang pagtripan nila..kainiz tlaga..


Update, update: Mag-istart na daw mag-deliver ng books bukas sa mga National branches…FINALLY!!!

Thursday, February 14, 2008

Valentine's Day

Perfect Match!



Remember that there will always be resistance. But in the end, MMDA gets the job done .... demolished lahat yan. :-)

Tuesday, February 12, 2008

Cosplayers

Nakapanood na ba kayo nung tinatawag na cosplay? First time kong naka-attend nun last year sa PSICOM Con 2007. Medyo na culture shock lang kasi ako nun. I didn’t really know na there were lots of people that is into this stuff. Loud music, fab costumes, beautiful people, and lots and lots of anime stuff for sale and to see. Di naman ako anime fan, but nasundan pa ito ng pag-attend ko ng ibang events nila. Like yung Ozinefest, Toycon, Ongaku and yung last na na-attend ko last year eh yun Gamex Con, yung pinaghalong gaming and cosplay event. Masaya ang mga events na ‘to, I got a chance to play the Wii before buying it. Nandito din yung favorite kong amateur band na Neotaku na tumugtog ng aking favorite tune dati na Ghost busters, who you gonna call? Ghostbusters!!! Hehehe. Watch niyo na lang. http://www.youtube.com/watch?v=ghbV-lbbqHs

Sa aking pag-iikot doon sa con ay may nakita akong isang cosplayer na pinagkakaguluhan dun. Nasulyapan ko siya sandali (maganda nga at swexxxy…) sayang at di na din ako nagtagal at may ibang lakad pa din kasi ako nun…. and medyo nagkaka-exchange exchange na din kasi ng mga body fluids doon sa uber dami ng mga tao so escape na muna ko.

After 6 months, eh nakita ko ulit yung cosplayer na nabanggit ko…., may nagforward kasi sa kin ng picture niya (baka kilala niyo? hehehe).... Superrr talaga… can’t wait for the next event…..hope to catch her there… papa-autograph lang.

Monday, February 11, 2008

Friendster

Would you guys believe na after all these years of me facing my computer everyday, eh ngayon lang ako magkakaroon ng Friendster account?

Dati kasi I really have no time for social networking things like this but now… I think I need it … for my personal and professional growth na din.

When I go out and meet new friends, ewan ko ba kung bakit lagi akong tinatanong kung me fwendster account daw ako. Pag sinabi kong wala, bakit daw wala? So eto, gumawa ako para we can all get to know each other a little better. Tsaka baka lumitaw din dun yung mga old time friends na mga hinahanap ko, I really want to do some catching up and I hope it’s not yet too late.

Owwkiiee, kaya guys, if you have time, kung wala kayong magawa, please add me up jay.panti@gmail.com

Wag niyo ko bolahin dun ha? I've had enough, hehe. As of this posting, eh may 3 friends na ko!

Update lang sa Panti Chronicles, hopefully, lumabas daw this week yung mga P.O. (purchase orders). Until then, always keep your zippers up!

Wednesday, January 30, 2008

New Book for Valentine's



Hopefully sana mailabas ito before V-day. Sorry po sa matagal na di pag-post. Ayaw kasi ma pre-empt ng aking publisher yung laman ng libro (para may bumili naman daw kahit konti). So ngayong malipat ng ilabas ang libro, pwede na daw ulit akong mag-post. I-promote ko daw yung libro. So ano ba ang laman ng libro? ganun pa din, wala pa din kayong matututunan. May konting love story, sex story, kalokohan - mga misadventures ko matapos ang KIKIAM EXPERIENCE.

Dun sa mga hindi nakagusto ng unang book, libre ko kayo ng beer para di masayang yung binayad niyo. Dun sa mga nakagusto, ako naman libre niyo!

Mom ko nga bumili ng 100 copies ng KIKIAM para ipamigay niya sa kaniyang mga amiga. Proud kasi yun sa akin. Nung binasa niya yung content, isoli ba naman yung 90 copies, 10 na lang daw ipamimigay niya. tsk... tsk.

Update ko na lang kayo dito pag available na yung book.

Di pa din ako nakapunta ng U.S., contrary to the American flag I posted earlier. Pampalakas lang ng loob yon. See you around mga dudes.