Wednesday, April 18, 2007


Last night, nasa Starbucks ako sa may Tiendesitas, SM Hypermart area. Isa ito sa tingin ko na pinaka magandang branch ng Starbucks. Madaming parking, malaki ang place, may wi-fi, maganda ang "view".
Uber init talaga kahapon kaya instead na mag brewed coffee eh iced mocha ang inorder ko. Ewan ko ba pero yung sinusundan kong babae, ay feeling nasa honkong siya. Kahit na mainit ang panahon eh naka long sleeved sweater pa ito. Ok lang, gusto lang sigurong ipakita na kayang-kaya niya i-carry ang summer heat.
Napasobra ata ang inom ko ng grande na iced mocha kaya medyo nasira ang tiyan ko. Di ko malaman kung bakit laging common comfort rooms ang mga starbucks, meaning isa lang ang c.r. na ginagamit ng lalaki at babae.
Buti naman at isang lalaki lang ang nakapila sa c.r. Medyo nagtagal sa C.R. ang lalaking ito. Kung medyo nakakaramdam ka ng ebs, eh mapapansin mo na ang isang segundo ay parang isang minuto.
May pumila na babae sa likod ko. Passable naman sa Panti scale, kaya lang baka ma-turn-off pag na-amoy niya ang c.r. pagkatapos ko itong gamitin.
Anyways, pagkatapos ko ngang gamitin ang c.r., dalawang beses ko pa itong finlush para di naman nakakahiya dun sa susunod na gagamit (cute pa naman). Pero talagang may amoy. Bahala na lang kaya. Lumabas ako ng c.r. at biglang pumasok yung babae. Sorry na lang, alam kong nagdusa siya sa loob. At alam kong hindi ko matitingnan sa mata yung babae na yon paglabas niya.
Sana naman ay may separate c.r.'s na ang mga katulad nitong establishments.
Tama, ang sama nga ng tingin sa aking nung babae paglabas niya ng c.r.

Tuesday, April 17, 2007



Nakakasawa pala pag puro manny pacquiao na lang ang nasa dyaryo, tv at radyo. Pero nakaka-aliw talagang pakinggan pag nag E-English siya. At least he's trying his best.

"Noodle! Nooddle!" - Manny Pacquiao nung sumali siya sa Deal or No Deal.

Monday, April 16, 2007



Nagpunta kami kahapon sa Westgrove Ayala (Sta. rosa or cavite na ata yun)at nag-swimming kami. Nag bonding kami ng sister ko kasi kaka break lang nun sa boyfriend niya and sa tingin ko eh hindi pa ito nakaka recover. Kaya ako muna ang uma-aliw sa kanya.
Anyways, naka upo kaming dalawa sa reclining chair sa gilid ng pool at nagpapa-itim, ng may humarang sa harap ko na isang sexing-sexy na babae na nakatalikod. Naka short-shorts siya at kitang-kita ang apple-shaped niyang pwet. Halos 3 ft. lang ang layo ng mukha ko sa pwet niya. Maganda talaga ang view. (SWERTE!!!)
Hindi lang yon nagulat ako ng nagtanggal siya ng kanyang shorts dahil siguro magsu-swimming siya. Laking tuwa ko ng sumabit ang bikini niya sa shorts niya habang tinantanggal niya yon. Siyempre nakita ko ang pwet niya. Swerte ko talaga, may dalawang pimples pa kong nakita sa pwet niya hehehe. Inayos niya naman agad ito. Hindi ko tuloy malaman kung sinadya niya kaya yon para mapansin ko? Aksidente lang naman siguro yon.
Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa kin. Nagulat ako kasi parang kabayo pala ang mukha niya. Mas maganda pa yung pwet niya sa mukha niya!
Hayyy. sayang, you just can't have everything of both worlds.

Sunday, April 15, 2007

Isang kahindik-hindik na pangyayari na naman ang naganap sa akin kaninang umaga. Nasa shower ako at masarap na dinadama ang pagbagsak ng mainit na tubig sa aking mukha. Napapikit pa ko ng matagal-tagal at pahaplos-haplos pa ko ng aking mukha para lalong madama ang pagbagsak ng tubig sa aking mukha. (naka massage mode pa yung shower)
Laking gulat ko ng dumilat ako at nakakita ako ng dugo sa aking mga kamay! Parang scene iyon sa isang horror movie na napanood ko. Nag panic ako! Tiningnan ko yung shower at baka dugo ang lumalabas na doon at hindi tubig. Pero normal ito, tubig ang lumalabas.
Napatakbo ako sa salamin at tiningnan ko ang mukha ko... puro dugo. Punong-puno ng dugo ang mukha ko, parang eksena sa texas chainsaw massacre. Natakot talaga ko. Nag-iisa pa mandin ako! Muntik na kong tumakbo papalabas sa unit ko ng nakahubo!
Buti na lang at na-realize ko agad na ako pala ay nag nose bleed lang, madaming dugo ang lumabas. Whew. Kala ko nakapasok na si freddie krueger sa kwarto ko.

Saturday, April 14, 2007

Putragis. Malas! Malas talaga! Akala ko di na ko mamalasin pag Friday the 13th pero talagang bwiset kagabi. Pumunta kasi ako sa Fort sa bonifacio high at ibibili ko sana ng birthday gift yung sister ko ng flip flops. Nung last time kasi kaming nag-usap eh iyon daw ang gusto niya para magamit niya sa pagpunta sa boracay.
Medyo mahirap maghanap ng parking at sinuwerte naman ako ng konti kasi may isang kotse na umalis sa parking at tiyempong ako ang nasa likod nun.
Nung naka park na ko, hinila ko na yung hand brake at pagtingin ko sa harap ko eh nakita ko si Guada (ex ko) na naglalakad mag-isa. Di pa din nagbabago si Guada, cute pa din. Sa sobrang gulat ko eh lumabas agad ako ng kotse at isinara ang pinto kahit hindi ko pa napapatay ang aircon, stereo at makina.
Nagulat din si Guada, ewan ko kung natuwa siya sa pagkakakita sa akin o nabwiset (nag-aantay na nga ako ng sampal). Pero siyempre, nag beso-beso din kami (mabango pa din siya talaga), kamustahan, (single ako, may boyfriend siya arghhh). Pero nagpalitan kami ng cellphone nos., minis-call ko siya at siniguro kong na-isave niya ang number ko.
Nagpaalam na siya at nagmamadali daw siya kasi pupunta pa daw sila ng Pampanga at bibili lang daw siya ng krispy kreme as pasalubong. Masaya na din ako, kasi nakuha ko ang cellphone number niya.
Pabalik na ko sa loob ng kotse ko ng mapansin kong hindi ko mabuksan ang mga pinto! Naka-lock lahat! Putragis, umaandar ang makina, aircon, stereo at na-lock ang lahat ng doors! Ang susi, nasisilip ko pa na nandun sa loob! Malas, wala akong duplicate sa wallet ko, nandun pa sa Quezon city.
Oh well, ayun, nag-taxi pa ko pabalik ng QC para makuha ang duplicate key. Inabot din ako ng dalawang oras, buti na lang di nag overheat yung kotse.
Moral of the story: Wag ma excite pag nakakita ng cute.

Friday, April 13, 2007



Friday the 13th pala ngayon. Malas daw. Di naman ata. Isang beses lang ako minalas ng Friday the 13th at medyo matagal na nangyari ito.
Nag date kami ng girlfriend ko (si Vinky pa noon), at niyaya ko siya na pumunta sa motel. Ayaw niya, kasi daw ay Friday the 13th, malas daw. Sabi ko naman na wag siyang maniwala dun. Wala naman sigurong mangyayaring masama kasi maglalaro lang namin kami doon ng Boggle, yung favorite naming wordgame.
Ayun, pagliko namin sa may ULTRA, nakita ko yung gulong ng car ko na inunahan pa ang kotse namin. Natanggal pala yung pagkaka bolt ng harapang gulong ng kotse ko. Huminto yung kotse, naghabol pa ko ng gulong! Buti na lang walang aksidente na nangyari.
Oh well, malas, di tuloy kami nakapaglaro ng Boggle.

Thursday, April 12, 2007

Three nights ago, I was with my high school friends and gumimik kami sa Makati. As usual, nakatuwaan na naman nila ako. Di kasi ako sanay uminom ng beer. Tatlong bote pa lang ata eh namumula na ako at aantukin. Pero nung gabing iyon eh naka pito akong beer!
And as expected di na ako nakapag drive pauwi. Iniwan ko na lang yung car ko sa parking sa Greenbelt at nagpahatid na lang ako kay Mel sa Eastwood. Sa sasakyan pa lang eh talagang tulog na ako.
Sa Edsa daw kami dadaan kasi mas mabilis daw. Nakatulog ako.
Ng magising ako, ang una kong nakita ay mga white ladies! Natakot ako! mga babaeng nakaputi, mahaba ang buhok, madudumi ang mukha at nakalutang sa ere!
Nagulat ako at biglang bumangon sa likod ng kotse. Yun pala eh nasa ilalim lang kami ng Underpass at billboard ads lang pala ng shampoo yung nakita ko. Pero ba't kaya may pinturang itim ang mga mukha nila? Parang may nag vandal.
Sayang, maganda pa naman silang decor sa Edsa. Make EDSA beautiful!

Wednesday, April 11, 2007

May nagpasa ng text joke sakin. Luma na 'to pero natawa pa din ako.

Teacher: Class, I want you to watch Sex Scenes!
Class: What?! teacher?!?!
Teacher: What's wrong? Ets a beatipul pilm starring Bruce Welles.
Class: Ahh! Sixth Sense!

Eto pa isa. Matagal ko na na-recieve pero kanina ko lang na-verify na tama nga! Hirap na walang magawa pag break time.

"May sagot ako sa isa sa mga tanong mo sa buhay. Maaaring hindi ito mahalaga pero makakagaan ito sa kalooban mo. Alam mo ba na 54 ang butas ng Skyflakes?"

Tuesday, April 10, 2007


Katatapos lang ng mahabang bakasyon, buti naman. Ang lungkot kasi ng bakasyon ko. Dito lang kasi ako sa Quezon City nag-stay ng 5 limang araw. Nakakaaliw panoorin yung mga batang nag easter egghunt sa lugar namin. Naka costume sila ng rabbit at may dala pang mga basket na parang mamamalengke. Sayang at hindi pa ito uso nung bata pa ako. Palagay ko eh, kung nauso na ito noon, eh siguradong mananalo ako. Malaki kasi yung dalawang ngipin ko sa harap, mukha akong kuneho nung bata ako.
Nagtataka lang talaga ako kung ano ang role ng bunny sa mga itlog. Di naman nangingitlog ang mga rabbits di ba? Di din naman sila kumakain ng itlog. Wala naman silang itlog....ewan ko lang yung mga lalaki, di pa kasi ako nakakita ng nakatihayang lalaki na kuneho.
Bakit kaya bunny ang ginawang simbolo ng easter? Yung bang mga easter eggs eh talagang may iba't-ibang designs nung lumabas sa bunny? May standard na designs ba ang mga easter eggs? Bakit kailangan pang kulayan ng mga bata yon?
Dapat pa ata akong mag-research .... di bale na lang kaya, mind your own eggs na lang.