Monday, February 26, 2007

Napapansin nyo ba na lumiliit ang mga pagkain sa Mcdonald's? Yung pancake nila pag tinaas mo parang see-tru sa sobrang nipis. Yung hamburger nila puro buns na lang. Ewan ko ba pero hindi talaga ako nabubusog tuwing kumakain sa McDo.

Tuesday, February 13, 2007


Is this what I think it is? Ano naman kaya ang gagawin nila dito?

Monday, February 12, 2007

ANNA NICOLE SMITH



Sayang si Anna Nicole Smith. She's 39 but she still has it. We lost another icon.

Sunday, February 11, 2007

Na-release na din pala ng PSICOM yung kanilang fourth na cookbook. Medyo iba ang mga cookbook na inilalabas ng PSICOM, written ito in tagalog at ang mga titles eh parang titles ng mga pito-pito movie - SARAP!, LASAP!, TIKIM! at yung latest - INTERNATIONAL SARAP! na naglalaman ng mga imported na putahe.
Natatandaan ko nung minsan ay tinanong ako kung ano daw ang ma-sa-suggest ko na title para nga dun sa kanilang international cuisine na cookbook na tagalog. Ni-reject pala nila yung title suggestion kong "MAKAMUNDONG SARAP!"

Thursday, February 8, 2007

Nasa SM MegaMall ako last night to buy some stuff and nung feeling hungry na ko, I looked for a place to eat. Hirap palang kumain mag-isa lalo na kung nasa public place ka. Gusto ko sana Saisaki! kaya lang parang di ko kayang kumain mag-isa sa ganung place. Dati madalas kaming kumain dun ni Kabs. Oh well, napunta ako dun sa isang level (2nd or 3rd?), dun sa may chowking, KFC, Yellow Cab, Gloria Jeans and yung pinuntahan ko Aloha Burgers? basta may Aloha yung name niya. Malaki yung place, walang tao, bago pa lang kasi ata yun. mukhang ok naman yung pictures ng food, kaya sabi ko, sige dun na lang ako kakain mag-isa (feeling lonely boy ako nun.) So as I was in the counter, looking for something to order. Pucha, yung girl na nasa counter kamuka nung second girlfriend ko! Baka kapatid o pinsan. Tiningnan ko yung name plate niya - NICOLE ... kamukang-kamuka talaga... yun pala, medyo matagal na akong nakatitig sa nameplate niya (di ko kasi mabasa) and akala niya, nakatingin ako sa boobs niya. Nag ahem siya, sabay sabi ng "sir, anung order niyo?" At ako naman nag sorry, and sabi ko na lang na "I was reading kasi your nameplate, you look like someone I know."
Nahiya na naman akong magtanong, kung related siya sa mga Advincula - baka kasi buhusan ako ng iced tea. Btw, ok din naman ang taste nung burger nila, mejo maliit lang pero matambok - yung patties.

Tuesday, February 6, 2007


I was at Greenbelt yesterday where I fetched my sister from work. Since I was about an hour early, tambay muna ko sa Starbucks sa may fountain area. While sipping my coffee, I noticed a group of 3 girls glancing/staring at me. Una kong tiningnan yung zipper ko, baka kasi bukas. Tiningnan ko din yung white shirt ko baka kasi may dumi or something. Wala naman. Until I also smiled at one of them. she also smiled. bigla akong nag-isip kung ano next move ko. While I was thinking of my next move, tumayo na siya agad and lumapit sa akin and her exact words are "hi! gimmick tayo? mura lang." Siyeeeet, ang baba ng boses! sabi na nga ba, bading eh. Argghh, tutoo pala na these things do exist there. I said "sorry" at umalis na agad ako. I stayed na lang at the snack bars dun sa may cinemas, konti lang kasi ang tao dun.

Sunday, February 4, 2007

PSICOM CON



Last sunday, I was invited by PSICOM na pumunta sa Le Pavilion para sa kanilang first PSICOM CON. At dun ko nalaman na madami palang mahihilig sumali sa cosplay.
Full force ang mga anime people dun, pati si manny pacqu pacqiuo pakyaw nandun. Ang daming mga cute at cute na mga costumes ang nakapaligid sa malamig na venue. Medyo young ang crowd, pero may naliligaw din na mga matatanda. Daming sponsors na namigay ng food samples. Pero di pa ko gaano maka-relate sa kanilang japanese "culture" Sabi nga ng publisher ng PSICOM, next event makaka-relate na din daw ako sa mga ganitong events, culture shock lang daw ang nararamdaman ko. I enjoyed my panti este brief visit to the CON, may nakilala nga ako, ahem kaya lang 19 years old lang (sabagay, pwede na din, hehehe). pero ang laki na ng ano niya - yung pak-pak ng costume niyang angel. Tinulungan ko kasi siyang magbuhat ng pakpak. Nasa likod ko siya ng sumigaw siya ng "Ay yung pakpak ko!". Natanggal kasi yung pakpak niya sa likod. Medyo iba kasi ang dinig ko dun sa sigaw niya, medyo slang kasi kaya to the rescue agad ako. yun lang.