
Nakipag meet ako sa isang balikbayan kong highschool classmate nung isang araw. Konting kamustahan at ewan ko ba kung bakit parang bumagyo at lumakas ang hangin dun sa loob ng coffee shop.
Gusto ko sanang makipagkwentuhan pa sa kaniya pero parang laging buhay niya ang kinukwento niya (Nakakainiz yun di ba?). Yung bagong apartment niya sa L.A., yung bago niyang 4x4, yung 16G niyang I-phone, yung plasma TV niya at yung trabaho niya sa Las Vegas na taga palit ng mga punding ilaw sa mga casino. Ewan ko kung inggit lang ako.. siguro nga.. pero hindi dun sa trabaho niya. Mas gusto ko pa din ang life ko dito.. easy lang.. over easy pa nga ata..
At siyempre, nung tinanong ako kung kamusta daw ako.. sabi ko.. eto, okay lang, mag-isa ngayon (di obligado mag txt!), may maliit na internet café, may sideline sa mga publishing at printing houses, gig pa din kami paminsan-minsa ng band ko nung college, wala pa ding pakialam sa mundo.. hehe.
At nagulat ako sa sagot niya na siya daw ang inggit sa akin. Kung puwede nga lang daw ay mas gusto niya ang buhay ko kesa daw sa kanya na halos wala ng oras sa sarili sa kakatrabaho at ang bakasyon niya pala ngayon ay halos noong isang taon pa niya pinlano. Buti pa daw ako, buong taon bakasyon ako.
Nakakasilaw nga daw ang Las Vegas.. nakakasilaw ang mga bombilya sa gabi na kaniyang tinitingnan maya-maya kung may napundi at kung meron, papalitan niya yon.
Gusto kong pumunta ng U.S. pero ayoko yatang araw-araw eh tagapalit lang ako ng mga punding bombilya sa mga casino. Baka di nako makatambay sa mga coffee shops o worst baka magka prostate cancer ako.
O baka sour graping lang ako.. tsk.. tsk.. Life… you can never really tell.