Monday, November 20, 2006

Wow, finally ay mai-pi-print na din ang aking "The Kikiam Experience". Sabi ng publisher ko ( PSICOM ) eh wala naman daw silang nakikitang magiging problema dito (siguro nakita nila na wala naman talagang kwenta yung ginawa ko) maliban sa book cover na panty. Baka daw ma-question kung bakit panty ang nilagay na cover na walang kinalaman sa kikiam. Sabi ko naman ay Panti ang pangalan ko at ito ang avatar o simbolo ko.

Sabi pa nila, baka daw magalit si Stephanie at magsampa ng libel. Sabi ko, OK lang kung magalit siya, wala akong pakialam, takot lang niya noh. Besides, siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nakapagsulat ng libro. Basahin niyo na lang kung sino talaga siya. Ayoko na siyang pag-usapan pa.

No comments: