Tuesday, September 8, 2009

The 5th Kikiam Experience



Mga dudes, malapit na, sandali na lang.. lalabas na!
Get your advance copy daw (sana matapos nila i-print)
at the Manila International Bookfair on September 16-20
at the SMX Convention Center, SM Mall of Asia. Punta kayo sa PSICOM BOOTH.
Big discount daw. Baka 50 Pesos lang yung book dito sa event. Dun pa lang daw magiging available. So update ko na lang kayo dito sa mga susunod..

Wednesday, April 29, 2009

Nagkita kami minsan ni Tina sa Megamall.
Tina: Huy! Manyak!
Jay: Ano ka ba? Kulit mo talaga.. Wag mo ko tatawaging "Huy!"

Tuesday, April 28, 2009

MRT


Jay: Pre, lam mo ba? Ayokong-ayokong makakakita ng mga matatanda at mga buntis na nakatayo sa loob ng MRT train.
Mel: Ows? talaga? So ano ginagawa mo pag ganun?
Jay: Pumipikit na lang ako.
Mel and Jay: Mwahahaha!

Monday, April 27, 2009

Health Advisory

A Health Advisory to all the readers of this blog:
PLEASE: DO NOT DRINK BEER....



WITHOUT ME... THANK YOU!

Friday, April 24, 2009

Visa

Mel: Pre, balita ko may visa ka na daw? Kelan pa?
Jay: Uu... kaka- receive ko lang kanina..
Mel: Talaga? swerte mo naman..
Jay: Uu nga.. kahapon kakakuha ko lang ng Mastercard.. ngayon Visa naman.
Mel: Hehehe.. kala ko iiwan mo na kami..

Wednesday, April 22, 2009

Password

Mel: Pre, ano password mo sa Friendster?
Jay: SupermanBatmanSpiderManXmen
Mel: Ba't naman ang haba?
Jay: Minimum of 4 characters daw di ba? So apat pa lang nga yun.
Mel: Xmen na lang sana... madami na sila di ba?
Jay: Oo nga. Di ko naisip yon.
Mel and Jay: Mwahahaha!!!

Tuesday, April 21, 2009

Problems

Minsan, sa laki ng problema ko.. gusto ko na lang takbuhan ito. Yung punta ka sa malayong malayong lugar. Pero as usual, tinatamad akong gawin ito. Tsaka isang beses pa lang naman talaga nangyari yon.. nuon pang last month.
Bakit kailangan pang magpagod kung me problema ka na nga. Kaya ang solusyon tulog ka na lang. Tulugan mo ang problema mo at pag gising mo.. nandun pa din yon. Pero at least baka mapanaginipan mo yung kamukha ng girl na nasa ibaba.. e di suwerte mo pa pla.. Always enjoy life mga dudes.

Sunday, April 19, 2009

Girl: Don't be shy... you can ask me out.
Mel: Sure ka? Di ba dyahe?..
Girl: Ok lang noh.
Mel: OK. You can go out.

Friday, April 17, 2009

Rhinoceros

Nagkita kami ni Mel sa may SM Hypermart sa Pasig at nagulat ako na bigla na lang niya akong binatukan.
Jay: Arayku! Baket mo ko binatukan?
Mel: Kase sinabi mo na mukha akong rhinoceros.
Jay: Huh? Tagal na yun ah. High school pa ata tayo nun..
Mel: OO nga.. pero kanina ko lang nalaman kung ano itsura nun..

Tuesday, April 14, 2009

Now Available





Mga dude.. the 4th Kikiam book is out. Try to grab a copy.. bayaran niyo na din siyempre. To those who already have a copy.. salamat. Sa mga hindi makakita ng book sa mga bookstores.. kulitin nyo lang yung mga salesladies kung me panti pa silang available para mag-reorder kung ubos na. Until then, hope to hear from you guys.. if I'm not around, I'm a square.





Sunday, February 15, 2009

New Book

Woohoo!!!
Finally, pini-print na daw.. sayang at di na naman umabot ng Valentines. Meron pa naman mga love stories dun. heheh.. Balitaan ko kayo pag lumabas na.
To all those visiting this blog and my friendster account -- salamat po talaga mga dudes.
Even though hindi ako nakakapag comment sa inyo, di ko nasasagot yung mga messages niyo.. I assure you na nababasa ko lahat yun and I really appreciate it very much. Thanks again guys.