Nagpunta ako sa Ateneo grade school last week para kausapin ang isang teacher dun na planong magsulat ng mga romance novels para sa PSICOM.
Nakilala ko si Ms. Melanie dun sa internet cafĂ© namin nung minsan magpatulong siyang gumamit ng webcam. Siempre na-interview ko na siya habang tinutulungan ko siya. Hilig pala niya talaga ang magsulat ng kung ano-anong mga mushy-mushy at ang sabi ko ay mag-submit siya ng manuscript niya sa kakilala kong publisher at who knows baka matanggap yon – sabay niyaya ko na din mag-coffee para mapag-usapan pa ‘yon na mabuti (kunyari, hehehe).
Anyways, basta, last day na daw ng mga students niya at pwede nga daw kaming mag-coffee para mapag-usapan yung pagsusulat niya. Sabi ko, sige puntahan na lang kita sa Ateneo tutal walking distance lang naman ang Starbucks dun.
Medyo naligaw ako papunta sa loob ng Ateneo grade school at nagtanong ako dun sa guard kung saan ba ang classroom ng mga grade 3.
Sagot naman yung guard ng “Ah sir, diretsuhin niyo lang yan, pagdating sa chapel, kanan kayo at makita niyo na yung F*cking Hole, dun sir yung mga grade 3.”
Medyo nagulat ako at inulit ko yung nadinig ko, “Saan bossing? Sa F*cking Hole?”
“Yes sir, sa F*cking Hole.”
Feeling ko yung guard, ginu-good time lang ako, imposible atang may ganung lugar sa Ateneo. Sinundan ko yung directions na binigay nung guard at di naman ako naligaw. Tama pala siya – mali lang ako ng dinig.
Congrats sa mga Atenista na nakaisip ng pangalan na 'to. Mabuhay ang ating lahi! :-)
Wednesday, March 21, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)